Saturday , November 23 2024

Trike driver tigbak sa resbak

112514 crime scenePATAY ang  isang tricycle driver makaraan saksakin ng kalugar na sinita niya sa pagmumura kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marco Polo Priel, 30, ng Block 3, Pama Sawata, C3 Road Brgy. 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan.

Habang agad naaresto ang suspek na si Michael Lapriza, 34, helper, kalugar ng biktima, nahaharap sa kasong murder.

Base sa ulat ni SPO1 Joselito Barredo Jr., dakong 1 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng isang tindahan sa Block 7 ng na-sabing barangay.

Sa ulat, nakikipag-inoman ang biktima nang duma-ting ang suspek na bumili ng sigarilyo.

Nang makita ng biktima, sinita ang suspek sa pagmumura ni Lapriza ilang araw na ang nakalilipas.

Ngunit hindi siya pinansin ng suspek na agad umalis ngunit makaraan ang ilang minuto ay bumalik saka inundayan ng saksak ang biktima.

Pagkaraan, mabilis na tumakas ang suspek ngunit naaresto ng nagrespondeng mga pulis.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *