Thursday , June 4 2026

Namulot ng barya ulo ng bata pisak sa truck

072414 road traffic accidentPATAY ang isang 9-anyos batang lalaki makaraan magulungan ang kanyang ulo ng truck nang hindi mapansin ng driver habang namumulot ng barya sa kalsada kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si

Marjon Pamintuan, 9, residente ng T. Santiago St., Brgy. Dalandanan ng nasabing lungsod.

Habang kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng 20-footer Isuzu Cargo Truck (XKP-489) na si Jaymar Palatao, 24, naninirahan sa Sitio 2, Gumamela St., Antipolo City.

Base sa ulat ng Traffic Enforcement Group (TEG) ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong 2 p.m. sa panulukan ng McArthur Highway at T. Santiago St., Brgy. Dalandanan.

Tinatahak ng suspek ang kahabaan ng T. Santiago St. ngunit pagdating malapit sa kanto ng McArthur ay hindi niya napansin ang biktima na namumulot ng barya sa kalsada.

Inakala ng suspek na bato ang kanyang nasagasaan at nabatid lamang na bata nang sumigaw ang mga residente sa lugar.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …