Thursday , June 4 2026

9 karnap na sasakyan narekober sa Parañaque

112014 stolen vehicles paranaqueNAREKOBER ng mga tauhan ng Anti-Carnaaping Unit ng Parañaque City Police ang siyam pinaniniwalaang karnap na sasakyan habang patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang magkapatid na karnaper.

Ayon kay Parañaque City Police chief, Senior Supt. Ariel Andrade, ang magkapatid na sina Russel at Romulo Dolor Pacia Jr. ng 3 Chapel Road, Sun Valley, Brgy. 195, Pasay City, na kapwa nakalalaya pa, ay nahaharap sa kasong 8 counts ng carnapping at estafa.

Habang nasa pangangalaga ng Parañaque Police ang siyam na sasakyan, kabilang ang apat na Nissan Somera, apat na Toyota Vios, at isang Kia Picanto.

Ayon kay SPO4 Mario Chris Gellanga, hepe ng Anti-Canapping Unit ng Parañaque Police, narekober nila ang mga saksakyan sa Sheryl Mira St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City sa isinagawang operasyon ng Anti-Carnapping at Police Community Precinct (PCP-6) dakong 11 p.m.

Ang modus-operandi ng mga suspek ay aalukin ang may-ari ng sasakyan na ipa-rent a car ang kanilang sasakyan para kumita kada buwan.

Ngunit makaraan ang dalawang buwan ay tatangayin na ng mga suspek ang sasakyan.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …