Thursday , June 4 2026

2-anyos patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

111814 dead cavitePATAY ang isang 2-anyos batang lalaki habang pito ang sugatan nang tumbokin ang sinasakyan nilang tricycle ng isang armored van at pagkaraan ay nasalpok ng mini bus sa Covelandia Road, Bgy. Kanluran-Binakayan, Kawit, Cavite kamakalawa.

Namatay habang isinusugod sa ospital ang 2-anyos biktimang si Jaspher Balitostos habang sugatan sina Roger Postre, 27; Jezalyn Francisco, 27; Jerlyn Postre, 7; Sheena Balitostos, 32; John Aliba, 4, at Dominador Guana, 79, pawang ng Brgy. Samala-Marquez, Binakayan, Kawit, Cavite.

Dakong 11:30 a.m., sakay ang mga biktima ng tricycle (for registration) na minamaneho ni Postre, nang mula sa likuran ay tinumbok sila ng rumaragasang Armored Van (ZHM-274) ng Safeguard Armor Security Corp. na minamaneho ni Dindo Mandapiton, 37.

Sa lakas ng impact, napalipat ang tricycle sa kabilang linya ng kalsada at hindi sila naiwasan at nasalpok ng mini bus (DVA-640) na minamaneho ni Emmanuel Ravelo, 40.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …