Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Sen. Grace, seryoso kay Myrtle

ni Pilar Mateo

111314 myrtle sarrosa

COSPLAYING levels up!

Ibang klase talagang maging supporter ang isang Atty. Ferdinand Topacio. From Bea Binene na tinulungan niyang ma-boost ang recording career, nakakita na naman siya ng isa pang tutulungan in the person of PBB winner Myrtle Sarrosa.

Nakita lang siya ni Atty. Topacio sa isang rally (anti-pork barrel) na kumukuha-kuha rin ng pictures at nagkaroon sila ng chance na magkausap.

Bilang the philanthropist that he is, umariba na si Atty. sa pagsuporta sa hindi malayong maging First Daughter-In-Law ng papalaring maging Pangulo kung tatakbo na si Senator Grace Poe!

Si Myrtle ang cover girl ngayon ng FHM. At 100 kopya na ang agad na inorder ni Atty. at ipinamigay sa kanyang guests when he celebrated his birthday last week.

Samantala, mukhang seryoso na si Bryan Poe Llamanzares sa pamimintuho sa dalaga at nakilala na pala ng isa’t isa ang kanilang mga pamilya.

Alam daw ni Senator Grace ang pagpo-pose niya sa FHM.

“May touch of sexiness lang po at hindi rin naman ako papayag sa super sexy concept.”

Bibigyan ba niya ng kopya si Bryan ?

“He’s in Singapore pa. Pero sana bumili siya!”

Kilala ring cosplayer si Myrtle pero natutuwa raw siya and in her showbiz career, bigla ngayon ang ariba.

She’s set to do a teleserye sa Kapamilya and a movie under Star Cinema.

And as far as her recording career is concerned, agad-agad na ipo-produce na raw ito ni Atty. T with Erase’s Tito Louie na may kinumusyon na kanta kay Joven Tan!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …