Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 hostage-taker todas sa rescuer (1 biktima patay, 1 sugatan)

110614 hostagePATAY ang dalawang hostage-taker at isang biktima habang sugatan ang isa sa magkahiwalay na insidente sa Dagupan City at Ermita, Maynia.

Sa Dagupan City, kapwa patay ang hostage taker at ang biktimang dalagita sa apat-oras na hostage drama sa bayan ng Asingan pasado 5 a.m. kahapon.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang suspek na si Orlando Victorio at 12-anyos niyang step daughter na kanyang binihag.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinita ng isang Hermie Ilumin ang suspek sa ginagawang pananakit sa kanyang step daughter bagay na ikinagalit ni Victorio kaya pinaputukan si Ilumin na tinamaan sa binti.

Nagsumbong si Illumin sa himpilan ng pulis-ya bago nagtungo sa pagamutan dahil sa nasaksihang pananakit ng suspek sa biktima.

Sinubukang kausapin ng mga awtoridad ang suspek ngunit tuluyan niyang binihag ang dalagita.

Pinaputukan ng mga pulis ang suspek nang marinig ang putok ng baril mula sa loob ng bahay at ang pagsigaw ng biktima.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung kaninong baril nagmula ang bala na tumama sa dalagita.

Samantala, patay rin ang isang hindi nakikilalang lalaki makaraan ba-rilin ng mga pulis nang i-hostage ang isang kahera ng karinderya na kanyang pinasok kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran, ang suspek ay tinatayang may gulang na 35 hanggang 40-anyos, 5’0″ ang taas, at may tattoo na pakpak at Michael sa kanang braso.

Habang ang ini-hostage ng suspek ay kinilalang si Joana Lacsamana, 21, cashier, residente ng 1316 Penafrancia St., Paco, Maynila, may saksak sa ulo at braso, nila-lapatan ng lunas sa Philippine General Hospital.

Ayon sa ulat, dakong 10:30 p.m. nang pasukin ng suspek ang RJ Luncheonette sa 799 P. Gil St., corner Taft Avenue, Ermita.

“Nakita n’ung  Randy Canlas, nagtatrabaho rin sa karinderya na pumasok ‘yung suspek sa kusina malapit sa drinking station, akala niya iinom ng tubig, biglang kinuha ‘yung butcher knife. Hinarang niya ‘yung suspek pero sinipa siya, sabay hatak sa babae,” ayon kay Duran.

Mabilis na nagresponde ang mga elemento ng MPD-PS 5 sa pangu-nguna ni Supt. Romeo Macapaz, station commander.

“Nang makita nila na duguan na ‘yung biktima, pinaputukan nila ‘yung suspek, at pag-katapos ng putok nakita na nakahandusay kaya isinugod na sa hospital ‘yung biktima,” dagdag ni Duran.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …