Friday , May 3 2024

Mayor Patrick Meneses itinangging kasama siya sa convoy na nandahas sa propesora (Sa reklamo ng Direktor ng UP Law Center Institute of Human Rights)

103014 patrick meneses and familyMARIING itinanggi ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Mina ‘este’ Meneses na kasama siya ng convoy na nang-harass sa pamilya ng isang female professor sa Congressional Ave., Quezon City.

Hindi umano siya kasama sa nasabing convoy at hindi niya hahayaang gawin iyon ng kanyang bodyguard.

O sige, sabihin na nating wala ka doon Ma-yor, ‘e ILABAS at KASTIGOHIN mo ‘yang bodyguard mo na nanghihiram ng tapang sa kanyang nakasukbit na baril nang mahilatsahan ng mamamayan ang pagmumukha n’yan!

Baka kasi matino lang kunwari ‘yan kapag kasama ka.

Kapag sila-sila na lang ‘e dinadaig pa yata ang yabang at tikas mo, Mayor Meneses?!

Kadalasan talaga ganyan, matapang pa ang aso-aso kaysa amo.

Anyway, alam naman natin na nasa korte na ang kaso, husayan mo na lang ang depensa mo, Mayor Meneses.

Magpasalamat ka rin nga pala sa BFF spokesperson mong si Pandi Mayor Enrico Roque.

Next time kung ayaw mong nasasabit sa ganyang eskandalo ‘e pagsabihan mo ‘yang mga alalay mo!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *