Thursday , June 4 2026

Anak ng aktor, 4 estudyante, 3 pa sugatan (2 school service nagbanggaan)

110514 school busSUGATAN ang limang mag-aaral kabilang ang anak ng aktor na si Dennis Trillo, at tatlong iba pa makaraan magsalpokan ang dalawang school service kahapon sa Quezon City.

Ayon kay Traffic Enforcer Jeffrey Dizon ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente dakong 5:45 a.m. sa N. Roxas St., kanto ng Speaker Perez St., Brgy. Lourdes ng lungsod.

Minamaneho ni Rasmor Padios ang Kia Pregio (TWT-945), school service ng Xavier School, sa nasabing lugar para ihatid ang mga bata sa eskwelahan nang sumalpok sa Isuzu canter (TXF-527) na minamaneho ni Jerry Lito Papa, school service ng Malayan High School of Science ng Pandacan, Maynila.

Limang estudyante ang kompirmadong nasugatan, kabilang ang anak ng aktor.

Bukod sa mga estudyante, may nasugatan din ang dalawang driver at isang konduktor.

Samantala, nagtuturuan ang dalawang driver kung sino sa kanila ang may kasalanan sa insidente.

Jethro Sino Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …