Thursday , June 4 2026

Mister at kabit huli sa akto ni misis

110414 affairKALABOSO ang isang lalaki at sinabing kanyang kalaguyo nang mahuli sa akto ni misis na naghahalikan sa loob ng kanilang kwarto sa San Mateo, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, hepe ng pulisya, ang mga nadakip na sina Nestor Lita, Jr., 24, nakatira sa Brgy. Sto. Niño, San Mateo, at Estrella Rivera, 42, nakatira sa Brgy. Cupang, Antipolo City.

Dakong 7 p.m. nang maaktohan ni misis na naghahalikan ang kanyang mister at si Rivera sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang ginang sa barangay at pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa magkalaguyo.

Ayon sa ginang, anim na buwan nang may relasyon ang dalawang suspek kaya kanyang sinubaybayan para mahuli sa akto.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …