Thursday , June 4 2026

Opisyal ng Subic Customs pinarangalan, nagbabala vs smugglers

SUBIC BAY FREEPORT – Pinarangalan ng Bureau of Customs ang isang opisyal at mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Subic dahil sa pagpigil sa tangkang pagpuslit palabas ng  Subic Freeport ng mga imported item na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Pinarangalan nitong Oktubre 27 sina Manolo Arevalo, officer in charge ng CIIS-Intelligence Division at mga tauhan na sina Intelligence Agent Teodorico Tobias, Special Agents Reycristo Ruanto, Jr., at Ruperto Sulit, Jr.

Sinabi ni BoC District Collector Port of Subic ret. Gen. Arnulfo Marcos na dahil sa mabusising pagsisiyasat ay napigil nina Arevalo ang tangkang pagpuslit ng 7,200 kahon  ng ceramic tiles na nagkakahalaga ng P3 milyon palabas ng Subic.

Ang kargamento na naka-consign sa Tough Sapphire Enterprises sa Biñan, Laguna ay nakapaloob sa isang 20-footer container van at may palsipikadong dokumento.

Una rito, ipinag-utos ni Marcos ang pagkumpiska sa isang 40-footer container van na naglalaman ng kinalas na eroplano, isang rubber boat at isang Lycoming 0-320 engine na naka-consign naman sa Centurion Import Services sa Philcox Hangar, General Aviation Area, MDA, Pasay City.

Nabatid na pineke ng Centurion ang papeles ng kargamento upang ibaba ang halaga nito pati na rin ang babayarang buwis at  inilipat sa Auction and Cargo Disposal Unit ng BoC ang epektos habang hinihitay ang resulta ng imbestigasyon ukol dito.

Ang mga nabanggit na consignees ay nahaharap sa paglabag sa Section 2530 of Tariff and Customs Code of the Philippines.

Sa hiwalay na insidente, nakumpiska naman ng Enforcement and Security Service ng BoC sa Port of Subic sa pangunguna ng hepe nito na si Lt. Paul Oandasan ang mahigit 7,000 kahon ng Bavaria Premium Beer na nagkakahalagang P2.8 mil-yon sa Olongapo City.

Ang mga beer ay ipinuslit palabas ng Subic Freeport nang walang binayarang buwis sa pamahalaan.

Dahil dito, sinabi ni Marcos na ang pagkakahuli sa mga kontrabando ay babala sa mga magtatangkang gumawa ng maanomalyang negosyo sa Subic na mahuhuli nila ang mga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …