Monday , May 20 2024

Parolado utas sa ratrat ng tandem

P072814 tandem deadINAULANAN ng bala hanggang mapatay ang isang ex-convict ng dalawang hindi nakilalang suspek na lulan ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Patay noon din si Vincent Carriaga, 40, biyudo, ng 67 Propetarios  St., Cartimar, Pasay City.

Base sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes, dakong 6:50 p.m. nang mangyari ang pamamaril sa north bound lane, Service Road ng Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Habang nakatayo ang biktima sa lugar nang sumulpot ang motorsiklong hindi naplakahan at pinagbabaril ng mga suspek ang biktima.

Ayon sa ulat, ang biktima ay dating bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa mga kasong robbery at frustrated murder noong 2010.

Nakalaya ang biktima dahil sa ibinigay na parole ng Department of Justice (DOJ).

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Gunrunner nasakote sa submachine gun

DINAKIP ng mga operatiba ng  Quezon City Police District (QCPD) ang isang gunrunner makaraang makompiskahan …

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

Groundbreaking ng Level III regional hospital hudyat ng pag-asa para sa Lagunenses

PARA higit na makapagbigay ng kalidad na serbisyong medikal sa mga Lagunenses, sinimulan nang itayo …

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *