Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaya kayang lampasan nina Kathryn at Khalil ang ratings ng Jadine sa Wansapanataym?

KAYA kayang tapatan ng susunod na episode ng Wansapanataym ang My App Boyfie nina James Reid, Nadine Ilustre, at Dominique Roque dahil simula nang mapanood ito ay parating trending at mas lalo pang tumaas sa ratings game ngayong finale week na.

Sa huling dalawang episode ngayong weekend (Oktubre 25 at 26) ng My App Boyfie mawawalay na si Anika (Nadine) sa nilikha niyang “app boyfriend” dahil sa pagkuha ng kanyang tiyahin na si Stella (Cherie Gil) sa computer tablet na nagkokontrol dito matapos matuklasan ng lahat ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Joe (James).

Ano ang gagawin ni Anika sa oras makalimutan siya ni Joe dahil sa pakikialam ni Stella sa application na lumikha rito? Maibabalik pa ba niya ang alaala ng kaisa-isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal o tuluyan na ba itong mabubura sa buhay niya?

Tampok din sa Wansapanataym Presents My App Boyfie sina Malou Crisologo, Ingrid dela Paz, Jazz McDonald, Marco Pingol, at Elise Joson. Bahagi rin ng programa bilang guest stars sina Isabel Oli at Alex Castro mula sa panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Jojo Saguin.

Ang susunod na episode sa Wanasapanataym ay reunion nina Kathryn Bernardo at Khalil Ramos na nagsama sa Princess and I.  Iisa ang tanong ng lahat, bakit wala si Daniel Padilla?

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …