Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maris, masusubukan ang talento sa pag-arte

ni Pilar Mateo

101814 maris racal

THE dream begins!

Magpapakitang-gilas na sa role na iniatang sa kanya sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ang second big placer ng PBB (Pinoy Big Brother All In) na si Maris Racal na mapapanood ngayong Sabado (October 18) sa ABS-CBN.

Gagampanan ni Maris ang katauhan ni Myla, ang mapagmahal at masipag na anak ng seaman na si Dionisio (Nonie Buencamino).

Dahil unica hija, siya ang paboritong anak ng ama kaya ganoon na lang din ang paalala nito sa pagpapa-igi sa kanyangpagsisikap na makamit ang mga pangarap sa buhay.

Pero dumating ang lamat sa buhay nila nang magka-problema ang ama’t ina. Sanhi para magkaroon na ng pagkukulang si Dionisio sa kanyang mag-iina. Saan susuling si Myla sa nakagisnan niya sa ama at sa kinahantungan nito sa huli?

Also in the episode are Dexie Daulat, Mickey Ferriols, Eva Darren, Tony Mabesa, Encar benedicto, Jong Cuenco, Alfred Labatos, Yogo Singh, at Lui Manansala sa direksiyon ni Joan Habana.

Dalawampung taong tinangkilik at patuloy na pinatutuloy sa bawat tahanan ng bawat Filipino saan man sa mundo ang MMK—ang istorya ng bawat isa sa atin—nagpapa-ngiti, nagpapa-iyak at nagbibigay-inspirasyon sa bawat kuwento ng buhay mula sa letter-senders sa buong mundo.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …