Thursday , June 4 2026

Anak ni Pokwang na si Mae, oks lang magka-BF ang ina

ni Dominic Rea

101714 pokwang bf mae

Wala nang balakid sakaling muling magmahal si Mamang Pokwang. Mismong ang anak nitong si Mae ang nagkompirma sa aming tanggap na niya sakaling umibig ang kanyang ina.

Sinabi pa ni Mae na seksi naman at maganda ang kanyang ina at dito siya nagmana kaya susuportahan niya ito.

Aminado si Mae na noong early age niya’y hindi pa raw niya maintindihan ang nakikita subalit ngayong kolehiyo na siya’y mas bukas na rin siya sa mga nangyayari sa buhay nilang mag-ina.

Sa aming tsikahan with Mamang ay masayang ibinalita naman sa amin ni Mamang ang kanyang TFC movie titled Edsa Woolworth na tinapos nila sa loob lamang ng 25 days na kinunan pa sa Amerika.

Ayon kay Mamang, ibang-iba ang kuwento ng Edsa Woolworth na mala-KathNiel ang timpla compared to A Mothers Story na ginawa niya last year. Mamang’s so proud of this project. Napakagaling rin daw ng kanyang katrabahong Kano sa pelikula.

Take note, may lovescene sila sa pelikula at siyempre hindi naman daw maiwasang kiligin ni Mamang.

Paalis naman si Mamang Pokwang para sa series of shows abroad para sa 4 Da Laffs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …