Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, ‘di man nakadalaw kay KC, panay naman ang tawag

 

ni Ambet Nabus


101514 KC paolo

NAOSPITAL pala si KC Concepcion noong Sabado nang dahil sa dengue. Kaya raw pala on and off ang lagnat ng aktres na pinag-uusapan nga ang kakaibang atake sa kanyang bida-kontrabida role sa book ng Ikaw Lamang.

Sa kanyang Instagram account nga ay sinabi ni KC na two days na siyang may lagnat na pabalik-balik kaya nagpa-confine na siya sa ospital. Ilan sa mga co-stars niya sa nasabing soap gaya nina Amy Austria-Ventura at Alora Sasam ang dumalaw, pati na ang iba pa niyang mga kaibigan.

Walang balita o tsika kung dinalaw siya ng napapabalitang special friend niyang si Paulo Avelino, pero marami ang nagsasabing madalas naman itong kausap sa cellphone ng magandang aktres.

Anytime soon daw ay lalabas na rin si KC at inaasahang sa pagbabalik niya sa soap na two weeks na lang palang eere ay may mga pasabog pa ang role niya. Balita ring isang malaking pelikula ang gagawin niya after ng soap.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …