Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edu, balik-Kapamilya; stress sa Face The People, ‘di kinaya?

101314 Edu Manzano

00 fact sheet reggeeBABALIK nga ba sa ABS-CBN si Edu Manzano?

Ito kasi ang tsikahan ngayon na nakipag-meeting na raw si Edu kasama ang manager niyang si June Rufino sa ABS-CBN management.

Hindi kaya inunahan ng TV host ang nalalapit na pagtatapos ng Face The People season 3?

Yes Ateng Maricris ang tsika kasi ngayon ay hindi na magkakaroon ng season 4 ang Face The People.

Kaya nangalampag kami ng taga-TV5 tungkol dito at ang sabi sa amin, “as of now po ang sabi lang ay magtatapos na ang season 3, ‘yung season 4 po, walang advise kung mayroon pa. Will let you know po.”

Hindi kami nakuntento sa sagot sa amin kaya nangulit kami sa kilala naming TV executive ng TV5, “may meeting kami sa Monday with the management, Reggs, so hindi kita masasagot kung may season 4 pa. But based on the ratings, doing well naman. So I hope, mayroon naman.”

At saka namin sinabing aalis na raw si Edu sa FTP dahil hindi na niya kaya ang stress sa show, “actually, si Edu per season naman ang usapan, so baka hindi na siya mag-renew for another season, talaga, aalis na siya? Sayang naman,” sagot sa amin.

Kuwento naman sa amin ng taga-Face The People, “they are still working on it, both Edu and season 4.”

‘Yun naman pala, under negotiation pa rin kung bibitawan ng TV5 si Edu. Ang tanong, pumayag kaya si Doods?

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …