Thursday , June 4 2026

Totoy nalunod sa creek (Bola hinabol)

082614 lunod drown

MAKARAAN ang halos 24-oras, narekober ang bangkay ng 7-anyos batang lalaking nalunod sa isang creek nang habulin ang kanyang bola sa Marikina City.

Kinilala ni S/Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang biktimang si Mark Raven Villanueva, nakatira sa Park-22, Police Village, Gen. Ordoñez, Concepcion-Uno ng lungsod.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, dakong 1 p.m. kamakalawa nang lusungin ng biktima ang creek para kunin ang nahulog na bola.

Ngunit hindi na siya lumutang kaya’t humingi ng saklolo sa mga awtoridad at Rescue-161 ang ama niyang si Marlon at magdamag na sinuyod ang nabanggit na creek.

Dakong 10 a.m. kahapon nang lumutang ang bangkay ng biktima sa Marikina River sa Brgy. Dela Peña nang lungsod.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …