Thursday , June 4 2026

P8 pasahe ibabalik ng Pasang Masda

070114 jeepney

HANDA ang grupong Pasang Masda na ibalik sa P8.00 ang minimum fare sa jeep.

Ito ang inihayag ni Pasang Masda President Obet Martin kasunod nang pagbaba ng presyo ng diesel.

Gayonman, makikipag-ugnayan pa aniya sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipaabot ang kanilang kondisyon.

“Gusto lang po naming magkaroon nang katiyakan sa board, sa LTFRB, kay Chairman [Winston] Ginez… Kung bumalik ba ang presyo sa pagtaas, e pwede bang ibalik kaagad natin ang pasahe sa P8.50?”

Nanawagan na rin si Martin sa Department of Energy (DoE) para tiyaking tama ang paggalaw ng presyo ng mga kompanya ng langis.

“‘Yun ho bang ibinababa e tama? Baka kailangang mas malaki pa ang ibaba sapagkat… ang big three na ‘yan e hindi ho nagpapatalo ‘yan,” katwiran ni Martin.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …