Thursday , June 4 2026

8-anyos nene sex slave ng ‘lolong’ manyak

091014 Sex Slave

NAGA CITY – Labis ang galit na naramdaman ng isang ina nang malaman na biktima ng panghahalay ang kanyang anak na babae sa Lopez, Quezon.

Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, kinilala ang suspek sa pangalang Lolo Ambet.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro ang 8-anyos biktima kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa bahay mismo ng suspek.

Ngunit makaraan ang ilang oras ay bumaba ang kapatid na lalaki ng biktima para makipaglaro sa mga kaibigan.

Bunsod nito, pwersahang hinila ng suspek ang biktima sa kwarto at doon na pinaghahalikan sa labi at hinubaran ng damit hanggang sa halayin ang paslit.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na hinalay ng suspek ang biktima dahil noong Agosto 19 at 20 ng kasalukuyang taon ay nagalaw na rin ng matanda ang bata.

Isinasailalim sa medical examination ang biktima habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa suspek.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …