Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

October last year pa BF ni Ai Ai si Gerald

091614 gerald aiai delas alas

“Pogi naman pala ang bagong boyfriend ni Aiai. Mas pogi pa kaysa pinakasalan niyang si Jed Salang,” sabi ng isa naming source tungkol sa star player ng badminton na si Gerald Sibayan, na boyfriend na pala ni Aiai delas Alas noon pang Oktubre ng nakaraang taon. Siguro nga inilihim lang ni Aiai ang relasyon dahil katatapos nga lang na mapawalang bisa ang kanyang kasal kay Salang, at saka batambata nga ang bago niyang boyfriend. Natatakot din siguro siya sa sasabihin ng bashers.

Pero ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino? Palagay namin wala namang issue sa pamilya ni Aiai, at mukhang okey din naman sa pamilya ni Gerald ang kanilang relasyon. Kung hindi tatagal ba naman ng ganyan iyan? Isa pa, aaminin ba ni Gerald ang relasyon kung may problema?

Pabayaan na lang ninyo si Aiai, dahil siguro nga kagaya ng kahit na sino, may karapatan din naman siyang lumigaya. Nagkaroon siya ng halos isang serye ng failed relationships, nakakita siya ng isa pang maaaring makapagpaligaya sa kanya and in spite of all the failed relationships in the past umaasa siya na this time ay magiging maligaya na siya. Bakit naman natin pakikialaman iyon?

Buhay niya iyan eh. Kung sabihin nga nila siyempre buntot nila hila nila. Pabayaan na lang natin kung saan sila maligaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …

Ai Ai delas Kim Rodriguez Batang Paco

Kim Rodriguez nanlamig, kinabahan habang kaeksena si AiAi

MATABILni John Fontanilla ZERO ang lovelife ni Kim Rodriguez dahil mas gusto nitong tutukam ang career. Kuwento …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …