NASAGIP ang apat na dalagita habang nadakip ang may-ari at manager ng bar sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at NGO kamakalawa ng gabi sa City of San Fernando, Pampanga.
Ayon kay Regional director, Chief Supt. Raul Petrasanta, nakipag-ugnayan ang International Justice Mission na aktibong tumututok sa human trafficking, at naaktohan ang mga suspek na sina Gloria de Guzman, 52, may-ari ng Ziegel Videoke bar, at Robert de Guzman, 31, manager, kapwa ng Madapdap, Mabalacat.
Kasama rin sa dinampot ng mga awtoridad ang dalawang waiter na si Melchor Billones, 20, ng maligaya NHA, at isang minor de edad.
(RAUL SUSCANO)