Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine at Sam, pantapat sa JaDine at KathNiel loveteam

092514 Jasmine Curtis Sam Concepcion

00 SHOWBIZ ms mUSONG-USO at click ang Wattpad sa mga tin-edyer kaya hindi na nakapagtataka kung kabi-kabila na ang paggawa ng pelikula o serye mula rito.

Ang pinaka-latest ay ang My Tag Boyfriend ng TV5 na pinagbibidahan nina Jasmine Curtis Smith at Sam Concepcion. Mula ito sa panulat ni Maevellane na mayroong 15.2 million reads sa Wattpad. Ginagampanan dito ni Jasmine ang role ni Sitti Sandoval, self-confessed Facebook addict who mistakenly tagged campus heartthrob Kaizer Buenavista (Sam)sa isang Facebook post niya. Ano pa ang kasunod nito? Siyempre, mga nakatutuwa pero nakakikilig na encounter na mapupunta sa romantic twist. Napapanood na araw-araw ang My Tag Boyfriend sa kasalukuyan sa TV5.

Tila ang Jasmine-Sam tandem ang pantapat ng TV5 sa loveteam nina James Reid at Nadine Lustre o JaDine at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel.

Second offering naman nila mula pa rin sa Wattpad ang Mr. Popular Meets Ms Nobody na pinagbibidahan nina Mark Neumann at Shaira Mae dela Cruz. Mula naman ito sa panulat ni Pinkyjhewelii na mayroong 11.9M followers na kinilig sa istorya nina Mr. Popular Kyle at Ms Nobody Chelsea. Magsisimulang mapanood ito sa Sept. 29.

Third installment naman nila ang Poser ni Maxinejiji na mayroong 400k followers and readers na na-inlove sa fictional characters nina Brix Torres at Jammy Ocampo. Gagampanan ito nina Akihiro Blanco at Chanel Morales at mapapanood simula Oktubre 6.

Ibabahagi rin ng TV5 ang mala-Cinderella story ng Wattpad, ang Almost a Cinderella Story na isinulat ni Soju at mayroong 500,000 reads. Tiyak na mai-inlove ang makakapanood sa modern yet hilarious twist to the well-loved fairytale ng character nina Carl Guevarra at Eula Caballero. Mapapanood naman ito simula Oktubre 13.

Ma-inlove sa panonood ng Wattpad stories gabi-gabi, 7:00 p.m. mula TV5.

ni Maricris Valdes Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …