Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing Race racers, ipinakilala na

092414 RR Enriquez Jeck Maierhofer

00 fact sheet reggeePORMAL nang ipinakilala sa entertainment press ang mga contestant sa Amazing Race Philippines Season two sa pangunguna ng race master na si Derek Ramsay  na ginanap sa Genting, Resorts World noong Lunes ng gabi.

Ang mga pinalad na contestant ay sina sexy besties RR Enriquez at Jeck Maierhofer,; blonde sisters Tina at Avy Wells; chefs Eji Estillore at Roch Hernandez; dating couple Matt Edwards at Phoebe Walker; Juan Direction hunksCharlie Sutcliffe at Daniel Marsh; ang mag-amang AJ at Jody Capili; nerds na sinaVince Aguilar at Ed Chong; travel buddies Zarah Evangelista at Osang DelaRosa; ang mga Mr. Pogi JP Duray at Kelvin Engles; ang magkapatid na sina Jet at YnaCruz; at Pinay world champs Gretchen Albaniel at Luz McClitton.

Paglalabanan ng mga nabanggit ang papremyong P2-M, dalawang SUV (Kia Sportage), at dalawang bahay at lupa simula sa Oktubre 6, Lunes, 9:00 p.m. sa TV5 handog naman ng Rexona, sinusuportahan ng PLDT Home Telpad, Summit Natural Drinking Water, Kia, RCD Royal Homes, at ng Resorts World Manila.

Halos lahat ng contestant ay nagsabing hindi nila ini-expect na makakapasa sila maliban sa dalawang chef na sina Eji at Roch sa audition ng The Amazing Race Philippines, 2nd season kaya ng malamang kabilang sila sa pumasa ay talagang naglulundag sila sa tuwa.

‘Yung ibang contestant ay aminadong hindi nila unang beses na sumali sa isang reality show katulad ng Pinay wrestler na si Luz na umaming naging boarder sa Bahay ni Kuya, “yes I was (there) sa bahay ni Kuya for three and a half months, I almost made it but still (na-evict).”

Ang magkapatid na Jet at Yna naman ay nasubukan na ring mag-audition sa unang season ng TAR pero hindi pinalad, “pangalawang try na po namin ito, nag-try kami sa una but we did not make it, ako po sobrang fan ako ng ‘Amazing Race’, never kong na-realize that we could get in.”

Muntik naming hindi nakilala si RR Enriquez dahil sumobra yata ang pagpapapayat niya at umaming kaya niya gustong sumali ay dahil gusto niyang manalo at para malagay sa Facebook at Twitter niya na nanalo siya sa TAR.

Bukod sa titulong Amazing Race winner ay aminadong gustong-gusto nilang manalo dahil sa malaking premyong pera, bahay, at lupa plus kotse.

Pero ang magkaibigang nerds na sina Vince at Ed na parehong nagtapos bilang summa cum laude at magna cum laude ay ido-donate raw nila ang mapapanalunang P2-M sa charity, “para makapag-aral ‘yung kids sa Payatas.”

At base naman sa ipinakitang teaser ay mukhang interesting panoorin ang ikalawang season ng The Amazing Race dahil maraming kakaibang eksenang ginawa ang contestants, tulad ng pag-aaway ng dating couple na sina Matt at Phoebe na umabot pa sa pisikalan at buti na lang hindi sila naghiwalay during the contest.

Diretso rin naming tinanong ang race master na si Derek Ramsay kung ano ang mas exciting ang una o ikalawang season, “itong second season kasi mas maraming nangyari at magagaling sila, natuto na kasi sila sa first.”

Ang gaganda ng mga lugar na pinuntahan lalo na ‘yung nasa white sand sila sa gitna ng dagat at tinanong namin ang TV host/actor kung saan ‘yun, “hindi ko puwedeng sabihin, P10-M ang damage kapag sinabi ko,” nakangiting sabi sa amin.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …