Thursday , December 26 2024

VP Jojo Binay sagutin mo na lang nang deretso ang isyu ng tongpats

00 Bulabugin jerry yap jsyDAHIL sa pagkakabulgar ng overpricing at tongpats sa Makati city parking building, nagkaroon ng dilemma si Vice President Jejomar Binay.

Nababasa natin ang ipinupundar niyang depensa — hindi siya papasok sa Senate investigation dahil alam niyang dito siya kakatayin ng kanyang mga kalaban.

Hindi siya papasok sa bitag na iniuumang sa kanya ng kanyang mga kalaban sa politika.

Pero alinsunod sa kanyang sinumpaang tungkulin, siya ay mayroong pananagutang moral sa taong bayan.

Ikatwiran man niya na ang ibinabatong isyu na overpriced at tongpats ay pamomolitika (na naman!?) dahil siya daw ang pinakamalakas na contender sa panguluhan sa darating na eleksiyon sa 2016, mayroon pa rin siyang pananagutan sa sambayanan na sagutin ang nasabing usapin.

Sabi nga ng matatandang mahilig magbato ng kanilang mga haka-haka at kuro-kuro, mas appropriate na tawaging ‘BETRAYAL OF COHORTS’ ang sitwasyong kinasusuungan ngayon ni Binay.

Ang pinakabobo umanong reaksiyon dito ay magturo si Binay kung sino-sino ang iba pang nakinabang. S’yempre hindi niya ito gagawin dahil ‘yun ang magiging katapusan ng kanyang karera.

Goodbye presidential bid ang kahihinatnan niya sa ganoong diskarte.

Kaya nga ang ginagawa lang ngayon ni Binay ay magpatawag ng press conference para ilahad ang kanyang accomplishments at programa.

Pansamantala ay nakaiiwas siya pero hindi pa rin nito kayang patayin ang isyu.

Bakit hindi namamatay ang isyu?

Una, mahirap paniwalaan ang ikinakatwiran ng mga Binay na mahirap lang sila.

Excuse me po, VP Jojo Binay … ‘e kung kukuwentahin ang mga naglalabasang asset ng inyong pamilya sa social media aba ‘e pwede na kayong isama sa Top 100 Millionaires sa bansa.

Totoo rin ba ang tsismis Mr. VP, na mayroon kang alagang ibon na Crane sa inyong bahay na ang iyong ipinakakain ay Salmon?

At hindi lang basta Salmon kundi wild Salmon na sa dagat lang nahuhuli at imported pa?!

‘Yan ang masakit d’yan Mr. VP, sabi nang sabi kayo na mahirap lang kayo ‘e sa totoo lang hindi n’yo na nga mailarawan kung ano ang mukha ng mahirap.

Huwag na kayong magpaligoy-ligoy pa, sagutin ninyo ang isyung overpriced at tongpats nang deretso at huwag nang tsubibohin ang sambayanan.

‘Yun lang po!

BAWAL ANG MAIHI SA NAIA TERMINAL 2

GRABE! Mula sa ipinagmamalaki noon na “state-of-the-art” daw ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 nang ipatayo ito ng administrasyong FVR, hindi tayo makapaniwala na ilang panahon lang ang nakalipas ay magiging maruming airport ito.

Sige kilalanin natin ang paliwanag ng MIAA management na “please bear with us, we are undergoing rehabilitation for your travel comfort.”

Pero por Diyos, por Santo naman, comfort rooms hindi magawaan ng paraan sa terminal 2?!

What the fact!?

Sa kasalukuyan ay dalawang comfort room (kung matatawag pa ngang comfort ang paggamit dito) lang ang gumagana. Isa para sa babae, isa para sa lalaki.

Ang malupit, ‘yung urinal sa CR ng lalaki tumutulo pa at may nakasahod na timba. Kaya grabe ang bantot na umaalingasaw sa CR ng lalaki.

Pero bago makagamit ng CR, kailangan ka munang pumila ng mahaba. Ang pila d’yan ay dinaig pa ang pila sa sinehan. Pwede mo na ngang ikompara sa pila ng mga pasahero na sumasakay sa MRT!

Josko!!! Grabe as in grabe talaga ang naging itsura ng NAIA terminal 2 at ng kanilang dalawang (2) comfort rooms.

Ang ipinagtataka natin parang hopeless case ito, dahil hindi man lang magawan ng paraan ng management (T-2 TERMINAL MANAGER) kung paano tutugunan ang ‘pangangailangan’ ng mga pasahero.

Wala na bang ibang magaling na tao si GM Bodet Honrado para maging terminal manager sa T2?

‘E mukhang nagpapalaki lang ng yagbols ang terminal manager diyan!?

S’yempre hindi naman pwedeng maki-CR sa Mabuhay Lounge ang mga pasahero ng Philippine Airlines (PAL) dahil exclusive lang ‘yan sa mabuhay passengers.

Nakahihiya man, bakit hindi na lang kayo maglagay ng portalet sa pre-boarding area!?

Kaya kung bibiyahe kayo at d’yan dadaan sa NAIA terminal 2, aba e tiyakin n’yo lang na hindi maiihi o hindi kayo magba-bowel movement dahil tiyak mamantot at magkakasakit kayo!

Much better, magbaon na kayo ng urine bag!

BINGO ‘JUETENG’ MILYONARYO SA LAGUNA

Alam na kaya ni PCSO Chairman Jose Ferdinan Rojas II ang tunay na nangyayari sa operasyon ng Bingo Milyonaryo (BM) sa mga bayan na nasasakupan ng 3rd and 4th district sa lalawigan ng Laguna.

Na ang palarong Bingo Milyonaryo na legal na pinatatakbo ng PCSO o ng gobyerno ay muling nagagamit ng mga hustler, ilegal na sindikato ng alai-bola suwerte ng 1-3-7 o ng illegal numbers game na jueteng.

Wala rin pagkakaiba sa STL ng PCSO na hinahaluan ng bookies ng jueteng.

Manong Mark Halili, kayo na po ang magtanong sa mag-utol na Richard at Gery Galvez.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *