PANAHON na siguro na madala na sa CPRO ang mga nagpapanggap na mga tauhan at opisyales ng Accreditation Management Office (AMO) dahil sa mga pekeng dokumento at mga fictitious address na mga broker at smuggler na nagta-transact na makakuha ng Accreditation.
Ang sinasabi nilang “No Take Policy” ay suntok sa buwan dahil meron silang tinatawag na back door lagusan ng mga importer at broker na gustong papasukin sa kanilang tanggapan.
At bakit palihim?
Masyadong mapagkunwari ang mga namumuno diyan, halimbawa na lang, saan kumukuha ng pampasweldo sa mga hao-shaio na akala mo kapag umasta sila ay tunay na empleyado.
Pati secretary Hao-shiao at Siopao, alam n’yo ba kung bakit? Sila ang mga matang Agila na nagbabantay sa kadiliman ng ‘daang matuwid.’
Kay PNoy, malinaw ang daang matuwid niya, sa AMO napakadilim ng daan nila. Kaya panahon na para makabalik na rin ang mga opisyales na nalagay sa CPRO.
At talagang parang exchange gift ang gagawin sana ni Commissioner Sevilla sa mga taga-AMO. Sila naman ang ipalit doon sa CPRO at ang dating nasa CPRO ay ibalik na dahil hindi naman sila nagkasala.
Samantala, itong taga-AMO sandamakmak ang natatanggap nating reklamo na kung ano-ano raw ang hinahanap na dokumento para lamang “Alam n’yo na.”
Daig pa ang butas ng Mayon Volcano na malapit nang sumabog.
Sa susunod na issue tatalakayin natin isa-isa ang modus operandi nila.
Kaya humanda na kayo sa Anti-Graft Division na pamumunuan ni Atty. Azis
***
Palakasan pa rin daw at unti-unti nang nagbabalikan ang maiimpluwensiyang empleyado sa kanilang dating minahan ng ginto sa BoC. Buwahahahaha-ya!
***
Sino itong empleyada ng Customs na napakaraming Boyfriend at paiba-iba.
Nagdaos pa ng kanyang kaarawan na magarbo kaya pala paiba-iba ang boyfriend e.
Sabi ng mga bubwit sa Customs, narinig nila ang babaeng ito na sinabing, “Naku hindi n’yo kaya ang Papa ko.”
Ang dami ng pera simula noong manungkulan sa customs at magaganda ang mga naging posisyon sa Customs. Ang Boyfriend niya ay sobrang sinungaling at sobrang buwahahahaya.
Siya ang si Boom Boom Tarattaratat.
***
Kawawa naman ang mga taga-BoC kasi marami sa kanila ay talagang walang-wala. Uulitin po natin marami talagang garapal diyan pero maraming matitino.
Kaya marami ang nagkakasakit dahil wala man lang katarungan ang bawat isang empleyado sa BoC.
Pinaratangan silang lahat na parang sila na ang pinakamasama sa mundo.
Pero ang pinakamasama at pinakamarumi at pinaka-corrupt ay ‘yung mga politiko na nagkamal sa PDAF scam at mga opisyales gaya sa Department of Agriculture, gaya ni PAGCOR Chairman Naguiat na napakaraming ari-arian sa Pangasinan, DPWH at ilang mga opisyales ng BIR gaya ng mga regional director.
Kawawa naman ang BoC, pinagtampuhan ng tadhana.
Siyanga pala kumusta na ang informal entry ng Port of Manila?
Napakaswerte raw ni Umandap dahi tatlong examiner lang doon ang kanyang tauhan.
Ang kanta ni Umandap ngayon, “Titibatiba-titibatiba ako.” ‘Yan ang paborito niyang kanta.
Sa susunod na issue isa-isahin na rin ang mga player na nagpapahirap sa ekonomiya ng ating bansa.
Jimmy Salgado