Thursday , December 26 2024

Apology sa China?! No way!

00 Bulabugin jerry yap jsyANO na naman?!

Apology na naman daw sabi ng China?!

Parang ‘PABRIKA’ ng apology ang Philippines my Philippines kung makapag-demand ang mga kalahi ni Mao Tse Tung.

Itinatanong ko na tuloy sa mga ninuno namin kung anong ‘luto’ ba ang ginagawa ng mga Chinese sa ‘apology’ at bakit maya’t maya ‘e hinihingi nila ito sa mga Pinoy?!

Masarap ba ang ‘apology’ ng mga Pinoy?!

Akala pa naman natin ‘e magagaling mag-isip ang mga kalahi ni Mao. Sumasalto rin pala.

Hindi ba pwedeng isipin ng mga kalahi ni Mao na maya’t maya ay mayroon mga Chinese nationals na chemist at dealer ng ilegal na droga lalo na ng shabu at ecstacy ang natitimbog dito sa Pinas?!

Mabuti nga at wala kaming parusang bitay, kaya hindi nabibitay ‘yang mga Chinese nationals na ‘yan.

Nariyan rin ‘yung illegal traders mula sa mainland China na nagpupunta rito sa bansa natin bilang tourist pero magiging retailers pala sa mga stall sa loob ng mall o kaya pakalat-kalat d’yan sa Divisoria, Binondo, Pasay, Baclaran, Greenhills, at sa iba pang probinsiya pero hindi nagbabayad ng buwis.

‘Yung mga Chinese nationals na money launderer sa Casino, na hindi rin nagbabayad ng buwis.

‘Yan ang ginagawa ng Chinese nationals sa bansa natin, tapos ngayon tayo pa ang dapat mag-apology?!

Mga hindoropot kayong mga Tsekwa kayo!

Kayo ang may atraso sa amin!

Bakit kami lang ang kaya ninyong agawan ng teritoryo? Dahil mahina at engot ang gobyerno namin?!

Bakit hindi ninyo gawin ‘yang pang-aagaw ninyo ng teritoryo sa Amerika, sa Japan kaya, sa Russia o sa North Korea?!

Bakit kaming mga Pinoy na pinagkakakitaan ninyo ang inaagrabyado ninyo?!

Mga hindoropot kayo!

Kainin ninyo ‘yang apology ninyo!

MAY CHECKPOINT OFFICER PA BA ANG MPD PS-2?

‘Yan po ang tanong na ating natatanggap sa email at text messges.

Nagtataka kasi ang mga katoto natin taga-Tondo at maging ang mga motorista,negosyante at residente sa AOR ng MPD PS-2.

Madalang pa raw sa patak ng ulan kasi sila makakita ng police checkpoint/chokepoint.

Alam natin na maaasahan magtrabaho si MPD PS-2 commander Kernel JACK TULIAO laban sa kriminalidad… ewan ko lang ‘yun ibang opisyal niya!?

‘Yan lang daw MPD PS-2 BAMBANG PCP ni Major Pangan at DAGUPAN PCP, ang masipag maglagay ng checkpoint at hindi puro pitsaan ang inaatupag.

Kernel JACK TULIAO sir, meron ka bang CHECKPOINT OFFICER diyan sa PS-2? O baka naman ang inaatupag ay puro ‘parating’ lang mula sa ‘pamangkin’ at kay Tata Bunso?

Aba’y pagtrabahuin mo sila Kernel!

HINDI NA BA EPEKTIBO ANG MEMO NI BI EX-COMM. RIC DAVID VS TANG-INANG?

PAHABOL lang po sa nakaraang anibersaryo ng Bureau of Immigration (BI).

Doon po natin piniling umupo sa bandang likuran dahil gusto natin obserbahan ang buong kaganapan.

Pero mayroon pa palang mas nasa likuran natin.

Paglingon natin ‘e nakita ng inyong lingkod si ‘Tang Inang’ ang partner in-crime ng mga notorious BI fixers na sina Betty Chiuhuahua at Annie Sey.

Malaya na naman palang nakapaglalabas-masok si Tang Inang sa BI main office mula nang mawala si former Commissioner Ric David?!

Hindi ba’t si ex-Commissioner David ang nagbaba ng memorandum na nagbabawal (ban) sa pagpasok ni ‘Inang’ sa BI main office?!

Anyareee!?

Na-lift o na-recall na ba ang ban order niya?

Ang bali-balita ‘e madalas na naman daw nakikita sa tanggapan ni BI AssComm Ronaldo Ledesma si Inang?

Ano kaya ang ginagawa niya roon? Tagatimpla ng gatas ‘este’ kape ni AssComm Ledesma?

Just asking lang po!

Hula-hula who?
KERENGKENG NA MAMBABATAS

HINDI raw napigilan ng isang kagalang-galang na babaeng Mambabatas ang kanyang pagkakilig sa isang bisita niyang lalaki.

Naging talk of the session hall si Madame lawmaker sa kanyang kakaibang attitude na kulang na lang ay halikan sa labi ang bisita niyang lalaki.

Ang nakasa-shock ay hindi man lang daw nahiya ang mambabatas na landiin ang bisitang lalaki kahit pa kasama nito ang jowa.

Bukod kasi sa matangkad at guwapo ang naturang guy ay isa siyang foreign national kaya pala ganoon na lang ang naging asta ni Madam na parang sinapian ng masamang espirito.

Sabi pa nga ng isang tsismosang nakakita sa kanila, akala mo raw kinikiliti at kinukurot sa singit si Madam lawmaker sa sobrang saya at ngiti ng kanyang mga labi.

At hindi pa nasiyahan si Madam, nagpa-SELFIE photo pa siya with the foreign hunk. Nang medyo nahimasmasan siguro si Madame ay saka tinawag ang Jowang foreigner at isinama na rin sa picture-picture nila.

Anyway, understandable naman ang flirty attitude ni madame Lawmaker dahil matagal na rin siyang ‘living separate lives’ sa kanyang papable.

Minsan na rin natsismis na nali-link sa ibang lalaki pero todo-deny naman sa kanyang lovelife.

Pero sa kabila na ‘single parent’ siya ngayon ‘e na-maintain pa rin niya ang kanyang sexy-body at beautiful face.

In short, may asim pa talaga!

The who ang babaeng mambabatas na ito?

Galit daw ang mga taga-Makati sa kanya?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *