DAHIL sa age gap nina Ai Ai delas Alas at ng kanyang boyfriend na 20-anyos na badminton player, marami ang nagsasabi na hindi magtatagal ang dalawa. Sobrang layo ng agwat nila, 30 years.
May mga kumukuwestiyon din kay Ai Ai kung gaano siya kaseryoso sa pagpatol sa isang bagets?
Anyway, maintriga rin ang statement niya sa isang panayam na ‘di baleng pumatol siya sa 20-anyos ‘wag lang sa lalaking may asawa.
Mas mainam nga naman ‘yun, ‘di ba? Pero teka, sino ang pinatatamaan niya?
Isa pang katanungan ngayon ay kung totoong lilipat si Ai Ai sa GMA 7. Nakita siyang umakyat at nakipag-meeting umano sa management ng Kapuso Network kasama ang kanyang anak.
Balitang wala ng kontrata umano si Ai Ai sa ABS-CBN 2 network kundi sa Star Cinema na lang.
How true?