TIMBOG ang lider ng sindikato at limang tauhan na sangkot sa robbery-holdup at carnapping at nag-o-operate sa Quezon, sa pagsalakay ng mga operatiba sa kanilang safehouse sa PNR Gloria 2, Sindalan, San Fernando City, Pampanga kamakalawa.
Sa report ni Provincial director, Senior Supt. Marlon Madrid, kinilala ang mga naaresto na sina Norman Delfin, 35, lider ng grupo, ng Malino, Mexico; Joseph Hermohenes Delfin, 42; Cecilio Curato, 36, ng San Fernando City; Rodel Damian, 30, ng Sta. Cruz, Manila; Albert Prietos, 31, tubong Negros, at Dennis Cervantes, tubong Iloilo.
Ayon sa imbestigasyon, dakong 4 p.m. nang maaktohan ng mga awtoridad ang grupo sa kanilang safehouse.
(RAUL SUSCANO)