Saturday , November 23 2024

Philharbor nakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa trahedya

091914 condolences flowers
NAKIKIRAMAY ang pamunuan ng Philharbor Ferries & Port Services, Inc. (Philharbor), ang operator ng M/V Maharlika 2, sa mga pamilya ng mga pasaherong nasawi sa aksidente sa karagatan na kinasasangkutan ng sasakyang pandagat na pagmamay-ari nila nitong Setyembre 13 (2014).

Tiniyak nito na simula pa lamang sa unang araw ay nagpaabot na sila ng tulong pinansiyal sa mga survivor, at pamilya ng mga namatay sa insidente para sa transport needs, medical bills at mortuary expenses.

Nagpasalamat din ang Philharbor sa mabilis na pagdating ng search and rescue operation na naging dahilan upang mas maraming survivors ang mailigtas.

Kabilang anila sa mga unang nagresponde ang kanilang Maharlika 4, iba pang vessels at fishing boats, PCG, Philippine Navy, local government units at iba pang pribadong sektor.

Siniguro rin ng Philharbor na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at hindi anila ititigil hanggang hindi nareresolba ang lahat ng isyu sa pangyayari.

Matatandaang patungo sa Liloan, Leyte, mula sa Lipata, Surigao ang MV Maharlika 2 dakong 11:30 a.m. nang lumubog lulan ang may 81 pasahero at 32 crew members o kabuuang 113 katao at mga rolling cargoes.

May clearance din umano sa PCG ang paglalayag ng naturang sasakyang pandagat bago maganap ang insidente makaraang makasalubong ang malalaking alon sa karagatan.

Inihayag rin ng Philharbor na ang lumubog na barko ay may kapasidad na 403 persons, at kayang mag- accommodate ng labingdalawang 6-wheeler trucks o mga pampasaherong bus at limang  light cars.

Mayroon umano itong 12 inflatable at 6 rigid life rafts na kayang magkarga ng 25 katao bawat isa at kompleto sa mga life saving devices, alinsunod sa requirements ng Safety of Life at Sea (SOLAS) at ng Maritime Industry Authority (MARINA), kaya’t handa umano sa mga kahalintulad na insidente. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *