Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di totoo na lalaro ako sa AMA — Daniel Padilla

082314 daniel padilla

PINABULAANAN nung isang araw ng sikat na aktor na si Daniel Padilla ang ulat na lumabas na lalaro raw siya sa AMA Computer University sa PBA D League Aspirants Cup.

Napili ng AMA si Padilla bilang ika-15 na pick sa rookie draft ng D League noong Lunes dahil siya’y nag-aaral sa nasabing pamantasan, bukod sa kanyang pagiging endorser nito.

“Siyempre po gusto ko maglaro for PBA pero hindi po totoo ang balita,” simpleng pahayag ni Padilla sa website na Philippine Entertainment Portal.

Naunang sinabi ng coach ng AMA na si Mark Herrera sa panayam ng PTV 4 na ilang mga opisyal ng pamantasan ang kumausap sa ina ni Padilla na si Karla Estrada, pati na rin ang manager ng aktor, tungkol sa paglalaro nito sa nasabing koponan.

Ngunit inamin din ni Herrera na wala pang senyales ang ABS-CBN kung papayagan nitong maglaro si Padilla sa liga.

Ayon sa tournament director ng PBA D League na si Eric Castro, puwede namang maglaro si Padilla sa AMA dahil nag-aaral siya roon bilang freshman sa kursong Information Technology.

May plano noon ang isa pang aktor ng ABS-CBN na si Gerald Anderson na maglaro para sa North Luzon Expressway sa PBA D League ngunit hindi ito natuloy dahil hindi nga siya pinayagan ng nasabing istasyon.

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

National Taekwondo Center

National Taekwondo Center, itatayo sa dating bowling alley ng Rizal Memorial Sports Complex

NAGPAHAYAG ng patuloy na suporta ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Taekwondo Association (PTA) …

NCRAA Pato Gregorio Buddy Encarnado

DLSU-Dasmariñas, U-Luzon panalo sa pagbubukas ng NCRAA Season 32

DASMARIÑAS, CAVITE — MAGKASALO sa spotlight ang DLSU-Dasmariñas at University of Luzon matapos kapwa magwagi …

PSC BCDA John Hay Sports Center Baguio

PSC, BCDA nagtulungan upang gawing pangunahing sentro ng sports tourism ang John Hay sa Baguio

BAGUIO CITY — ISANG bagong yugto sa pag-unlad ng palakasan sa Pilipinas ang nagsimula sa …

Sam Kerr Football

Sa AFC Women’s Asian Cup
Matildas tinalo ang Filipinas sa goal ni Kerr

Burswood, Perth — ANG nagbabalik na star striker na si Sam Kerr ang umiskor ng …