Monday , December 23 2024

Ryza Cenon, nagtitinda na lang ng pagkain sa bazaar (Sa kawalan ng career sa GMA! )

091714 ryza cenon

ni Peter Ledesma

Naku! Sa mga sasali diyan sa StarStruck huwag naman sana kayong matulad sa naging kapalaran ni Ryza Cenon na isa sa pioneer ng nasabing Reality Based Artista Search sa GMA 7. Imagine sa tagal na panahon ng pagi-ging artista ni Ryza ay hanggang ngayon ay wala pang sariling bahay.

Ilang teleserye, musical variety show at paulit-ulit na guesting sa mga show ng Kapuso na ba ang ginawa ng actress na mahusay rin dancer? Marami na kung tutuusin pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang progress at ang nakadedesmaya pa sa kawalan raw ngayon ng project ni Ryza sa pinagtatrabahuang network, hayun ang pobre nagtitinda na lang ng mga pagkain sa Bazaar na ka-join din ang ilang mga co-celebrity. Ano ba ang problema ng GMA kay Ryza at bakit pinagkakaitan nila ng proyekto. Maganda naman ang actress at mahusay rin umarte. Kom-para sa mga bini-build-up ng Kapuso ay ‘di hamak na mas may karapatan naman si Ryza kaysa kanila. Mahina ba ang backer niya o napopolitika siya sa sarili niyang mother studio? By the way, ano na pala ang nangyari sa career ng huling big winner sa StarStruck na si Steven Silva? Ang sagot, walang nangyari sa career ng actor at plano na lang maghubad para magkaroon naman ng raket. Kapuso, I’m telling the thruth lang gyud!

MARIA LEONORA TERESA, TRENDING SA SOCIAL MEDIA AT GRADED B NG CEB

Madalas na trending ngayon sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo dahil sa pelikula ng tatlo na “Maria Leonora Teresa” na na-bigyan ng PG 13 ng MTRCB at Graded B naman mula sa Cinema Evaluation Board o CEB. Hindi lang ‘yan sobrang pinupuri rin ang performance ng tatlo sa biggest horror-drama movie nila sa Star Cinema na bahagi pa rin ng selebrasyon ng 20th anniversary ng No. 1 movie oufit ng bansa. Akmang-akma naman kasi talaga sa bawat isa ang kanilang role at wala na kaming nakikitang actors na babagay pa sa mga character na ginagampanan nila sa first horror movie ng birthday boy na blockbuster director na si Direk Wenn Deramas. Iikot o maglalaro ang kuwento ng Maria Leonora Teresa sa magkakakonektang buhay ng tatlong ina na namatayan ng mga anak na gina-gampaman ng tatlong mahuhusay na child actresses na sina Red Bustamante, JC Movida at Juvy Biazon bilang sina Maria, Leonora at Teresa dahil sa isang brutal na aksidente sa bus na sinasakyan. Labis na nagluksa ang mga magulang na sina Faith (Iza), Julio (Zanjoe) at Stella (Jodi) dala ng trahedya. Dahil parehong hindi matanggap ang nangyari at pagkawala ng mga anak, gagawin nila ang lahat upang manatiling buhay sa kanilang mga alaala ang kanilang mga anak na babae. Hi-hingi sila ng tulong sa isang Psychiatrist doctor played by Chris Villanueva na aalukin sila ng the-rapeutic dolls na kamukhang-kamukha ng kanilang mga anak. Kakaiba man ang solusyon ng doktor, tatanggapin ito nina Faith, Stella at Julio. Ang hindi nila alam, magdudulot ito ng krimen at katatakutan sa kanilang buhay at kasambahay.

Dahil ito ang kauna-unahang attempt niya sa paggawa ng horror sa big screen, ibinuhos lahat ni Direk Wenn ang nalalaman niya rito na una niyang na-experience ng gawin niya noon ang horror serye ni Claudine Barretto na “Maligno” sa ABS-CBN 2.

Kaya siguradong sa pelikulang ito ay matatakot talaga kayo. Kaya babala ng Star Cinema huwag manood mag-isa. Palabas na ngayon ang Maria Leonora Teresa sa 140 theaters nationwide.

BIYUDANG KASAMBAHAY NA SUGOD-BAHAY WINNER, WAGI NG HOUSE & LOT

Hindi lang pala ang mga napanalunang sangkatutak na premyo noong August 16 sa Su-god-Bahay sa Barangay ang suwerteng dara-ting sa buhay ng biyudang si Gabriela David na may dalawang anak at mula Brgy. San Vicente sa Kyusi. Dahil sa first draw ng Lumina Homes para sa ipinamimigay nilang house and lot monthly na nagsimula ngayong buwan sa Eat Bulaga para sa mga nanalo sa Sugod-Bahay na naghulog ng kanilang registration form na nagsisilbi nilang entry sa nasabing Pakulo.

Ang naturang biyuda ang siyang unang na-kabingwit ng bagong bahay at lote mula sa Lumina. Isang kasambahay si Gabriela at siyang iki-nabubuhay nila ng kanyang mga anak.

Ngayon na may sarili nang bahay at sapat na pera mula sa napanalunan sa Bulaga ay puwede nang mag-umpisa ng bagong buhay ang nasa-bing mag-iina na pinalad na mabiyayaan nang sobra-sobra sa kanilang buhay.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *