Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lifestyle check sa gambling lords na pulis

00 pulis joey
PINATUTUTUKAN ngayon ni Department of Interior and Local government (DILG) Secretary Mar Roxas sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagsagawa ng ‘lifestyle check’ sa kapulisan laluna sa ‘gambling lords’ na miyembro ng PNP.

Kinumpirma ito ni BIR Commissioner Kim Henares.

Tips ko sa BIR, partikular nyong silipin ang lifestyle ng mga taga-anti drugs, taga-theft and robbery at CIDG. Karamihan sa mga yan ay ubod na ng yayaman sa ginawang pangingikil at panghulidap! Ang lalakas nga ng mga yan mag-casino at magsabong!

Tungkol sa gambling lords na pulis, totoong totoo yan… karamihan sa mga yan ay bookies at video karera operators. Mayroon ding mga kasosyo sa jueteng!

Sa Manila Police District (MPD) lang ay andami dyan. Itanong nyo lang sa taga-MPD Press Corps. O kaya’y kunin nyo kay Non Alquitran ang listahan ng illegal gambling operators at mga kolektong na pulis dahil kumpleto sya nyan. Hehehe…

Mantakin nyo naman… pulis na gambling lords, drug lords, protektor ng mga iligal, hulidap, kotongero tapos papasuwelduhin pa natin. Wow!

Kaya panahon na talaga, Sec. Roxas ang intense cleansing sa PNP. Simulan nyo po yan sa pagre-recruit at training bago bigyan ng tsapa at baril.

Let’s do this, Mr. Secretary at Mr. General, Sir!

Bakit puro kapalpakan ang LTO at LTFRB?

– Joey, bakit kaya puro kapalpakan ang ginagawa ngayon ng LTO at LTFRB? Kasi, akala ko totoong gumanda at safety ang bago nilang paggawa ng driver license at plate number ng mga sasakyan at ‘di magagaya daw. Ngunit mas okey pa ang pekeng lisensya. Kasi manipis lalo ang card at natutuklap ang printa, nakakaduling tingnan ang picture. Ang plaka naman dinagdagan pa ang number, pabor sa mga kriminal at magnanakaw. Sabagay puro magnanakaw ang nasa LTO at LTFRB. Kung anu-anong binabago para magkapera ng instant! – 09306300…

(Tumpak ka, kaibigan! Yang mga opisyal sa LTO at LTFRB, ang lalaki na ng suweldo, ang laki pang sumahod!)

Mga Kristiyano pinapatay sa Parang, Maguindanao

– Sir, concerned citizen po ako ng Parang, Maguindanao. May problema po kami dito sa lugar namin tungkol sa hustisya. Kawawa po kami mga Kristiyano dito sa lugar namin. Marami na po dito namamatay na mga kapatid kong Kristiyano na binabaliwala lang po ng mga pulis dito. Sana po sa pamamagitan ng inyong kolum na ito ay makamit namin ang kapayapaan at hustisya dito. – Concerned citizen

(Paging Parang, Maguindanao Police, totoo ba ang ulat na ito ng concerned citizen? Hindi nyo nga ba inaaksiyunan ang nangyayaring patayan sa lugar ninyo pag Kristiyano ang biktima?)

Reklamo sa pagkain ng inmates sa Bilibid

– Sir Joey, isang mapagpalang-hapon po sa inyo. Idudulog lang po namin sa inyo at para makarating narin sa kaalaman ni madam Sec. Laila de Lima yung tungkol sa pagkain naming mga inmate dito sa buong Maximum Security Compound na hindi na halos makain.

Halos araw-araw na rasyon namin umiikot lang sa kukunting kanin, kapares na ulam, isang pirasong isdang halos luwa na ang bituka at panay hilaw, tuyo na tig-5 piraso na kasinlaki ng hinliliit, daing na tilapia tig-2 piraso, longganisa tig-1 piraso, bola-bola at itlog. Yan lang po ang halos araw-araw na nirarasyon namin. – Concerned inmate

Daming holdaper sa Brgy. 286 Zone 26, Delpan (Binondo, Manila)

– Report ko po dito sa amin sa Brgy. 286 Zone 26 – Delpan, Binondo, Manila, sa may ‘Alay Puso’ malapit sa Delpan Evacuation Center, masyado na po talamak ang holdapan at isnatser. Wala pong aksyon ang mga pulis at tserman dito. Yung mga nagtatrapik dito, ang iba ay holdaper. Madalas nila biktima mga trak sa madaling araw, pag trapik pababa ng tulay ng Delpan. Marami na po truck driver at pahinante ang nasaksak ng mga holdaper dito. Kilala naman po ng mga barangay ang mga holdaper dito pero pinababayaan lang nila. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …