TINUTUKAN ng buong sambayanan ang pinakaaabangang The Kiss ng mga karakter nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Miyerkoles (Setyembre 10) kung kailan pumalo ang #SBPAKTheKiss episode ng national TV rating na 20.3%, o limang puntos na kalamangan kompara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na Ang Dalawang Mrs. Real (15.4%).
Tampok sa inabangang episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahaponvang mainit na komprontasyon nina Patrick (Paulo) at Rose (Bea) na nagpapanggap bilang si Emmanuelle, at ang hindi inaasahang halikan nila na pinagsimulan ng paghihinala ni Patrick na buhay pa ang kanyang asawa.
Ano ang gagawin ni Rose sa oras na mapatunayan ni Patrick na siya nga ang asawa niya?
Maisasakatuparan pa ba ni Rose ang plano nila nina Leo (Albert Martinez) at Ruth (Susan Roces) ngayong hindi na niya mapigilan ang kanyang nararamdaman para kay Patrick?
Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahaponbay kuwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.
Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang eksena sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.