Thursday , June 4 2026

Construction manager itinumba sa Pampanga

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang construction manager nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki

habang kasama ang kanyang asawang sales agent kamakalawa ng gabi sa Olongapo City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Angelito Pineda, 34, nakadestino sa motorpool ng 4B Constuction, sanhi ng mga tama ng .9mm kalibreng pistola.

Habang nakatakbo at nagtago ang kanyang misis na si Emily Pineda, 31, kapwa residente ng Brgy. Barreto sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:50 p.m. minamaneho ng biktima ang kanyang itim na Chevrolet na walang plaka kasama ang asawa.

Pagsapit sa Columban Hotel Road, Columban Site sa Brgy. Barreto ay bumaba ang biktima. Kasunod na bumaba si Emily ngunit biglang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang krimen.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …