Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Appeal ni Bistek, lalong lumalakas

082514 Herbert Bautista

ni Vir Gonzales

NAPAKAGANDA ng naisipang treatment ni Mayor Herbert Bautista para sa mga kaibigang press ng kanyang nanay si Mommy Baby. Darling of the press ito noong araw! Sa kanilang bahay sa New York sa Cubao, bihirang araw na walang bisitang press si Mommy Baby. At palaging may pameryendang sopas o goto kaya.

Noong magpa-birthday si Mayor sa mga press, sinabi niyang higit siyang kailangan ngayon ng mga kaibigan ng parents n’ya, dahil hindi na bumabata ang mga reporter. Nagbiro nga si Mayor ‘yung dating nakikita n’ya ngayong may tungkod na, ‘yung iba naman, malago raw buhok ngayon hindi na.

Nagkatawanan ang mga press na dumalo sa party na birthday ni Mayor na ginanap sa Valencia residence ni Mother Lily Monteverde. Naroon nga si Mother na sumilip muna bago pumunta sa kanyang meeting.

Masaya ang naturang party. Marami siyang magagandang balak para sa Quezon City. At sa darating na film festival bukod tangi siyang nakaisip magbigay ng pa-birthday party para sa press bawat buwan ng taon. Marunong  siyang mag-scattered ng blessing sa kapwa. Sinubi nga niya, lapitan siya ng mga press, kapag may problema, lalo’t may kinalaman sa kalusugan. Hindi na raw bumabata ang tao, kaya’t kailangang mag-ingat.

Sabi pa ni Mayor, may humirit na nagtanong, kung totoo bang madalas siyang magpadala ng bulaklak kay Kris? Hindi raw. So, malinaw ang lahat, walang roses na galing kay Mayor na ipinadala kay Kris Aquino. May mga nagkokomento habang tumatanda si Bistek, lalong lumalakas ang appeal sa chicks, ano bang secret ni Mayor? Hindi niya sinasabi, dahil secret nga raw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …