ni John Fontanilla
AYON kay Kenzo, bata pa raw siya ay pangarap na niyang mag-artista katulad ng kanyang ina at maging sikat na singer. Kaya naman lagi siyang nag-a-audition at nagbabakasakali na matangga.
Laging pasasalamat ni Kenzo sa SMAC (Social Media Artist and Celebrities) Television Production sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makasama sa I Never Knew Love, isang webserye.
Makakasama ni Kenzo sa webserye ang Way Up Boyband members na sina Benz Bautista, Prince Gezrael Teodoro at ang mga newcomer na sina Carla, Zara Maria Leonora, Dimpna Santos, Erwin John Cadelina, Meagan Irma Marie Caguiat, at Cariza Llena. Ito ay idinirehe ni Michael Mateo.
Bukod sa I Never Knew Love, dalawa pang Youtube show ang hatid ng SMAC at ito ay ang Sing for your Dreams hosted by UPGRADE member, internet sensation at Viva Artist na si Kcee Marinez (Casey Martinez) na makakasama si Grey Capulog ng Way Up (Music Correspondent ) at napapanood tuwing Sunday, 8:00 a.m..
At ang panghuli ay ang Gawad Kabataan, isang Charity Program na nagbibigay tulong at pag-asa sa mga kabataang nangangailangan ng tulong. Hosted by Youth Ambassadors Justine Lee at Jonathan Solis.
Ilan sa beneficiaries ng Gawad Kabataan ay ang Aguho Elementary School, Cesar Blansa jr. , Mascap National High School, Rhea Liquim Dalagan, at Maribel Corollu.