Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hello?! Bakit Media ang sinisisi ni PNoy sa talamak na krimen?

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA na naman ibang masisi, kaya kung sino ang naglalahad ng tunay na nangyayari ‘e iyon ang sinisisi.

Lagi daw krimen ang nasa balita, pero kapag nalutas daw ang krimen hindi man lang mabigyan ng espasyo.

Hello, Mr. President, naririnig ba ninyo ang sinsasabi ninyo!?

Tagatala po kami kung ano ang nangyayari, hindi po kami ang in-charge sa peace and order kaya huwag po kami ang sitahin.

Hindi ba ninyo naiintindihan ang nangyayari Mr. President?!

‘Yung matinding holdapan, agawan ng cellphone, killer-tandem at iba pang malalang krimen ‘e talagang malaking sampal na ‘yan sa mukha ng PNP …

‘Yun pa kayang ang mismong mga suspek sa mga talamak na krimen na ‘yan ‘e mga PULIS?!

Esep-esep naman po.

Pati ba naman katotohanan na napakatalamak ng krimen sa bansa ‘e idinadaan pa sa propaganda?!

Sonabagan!

Talagang nakapanghihinayang na sandamakmak ang tao ng Palasyo sa komunikasyon pero parang hindi nagsi-sink in kay PNoy ang mga nagaganap ngayon na kabi-kabilang krimen.

Pangulong NOYNOY, subukan ninyong pagsunugan ng kilay kung paano magiging epektibo ang mga PULIS sa kanilang batayang tungkulin na protektahan ang mamamayan.

Anong ‘deterrent’ kaya ang gagawin ng Palasyo para kahit paano ay maniwala pa ang mamamayan sa social justice and social order?!

Sige nga, Pangulong Noynoy, magpakita ka nga ng galing?!

KAPALMUKS NA APD SA NAIA T3

SAAN kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang isang miyembro ng Airport Police Department (APD) na naka-assign sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 dahil sa pangbabarako sa isang bagitong porter ng D’Prada Porterage.

Ang sumbong ay personal na ipinarating ng ama ng pobreng porter sa tanggapan ng inyong lingkod na naging biktima ng malatubang APD personnel.

Sa salaysay ng pobreng porter, isang pasaherong galante ang kanyang natsambahan na nag-request ng assistance.

Matapos makapagbayad sa porterage counter ng kanyang mga bagahe ay tumuloy nang pumasok ang pasahero habang inaasistihan ng bagitong porter hanggang makarating sa check-in counter ng Cebu Pacific.

Siyempre bago maghiwalay at matapos ang serbisyong ipinagkaloob, natuwa at inabutan ng pasahero ang porter. Nang sipatin ng huli ang iniabot na pera ay saka niya nalaman na P500 pala ‘to.

Pero ang hindi niya alam ay nasilip ni kapalmuks APD ang tip na tinanggap. Sabay lapit sa kanya at sinabihan na: “Bata, bawal ‘yan. Kabago-bago mo e tumatanggap ka na. Alam mo bang may ipinatutupad na no tipping policy sa airport?” kasabay nito ang pagkompiska sa pera na ibinigay ng pasahero sa porter.

Natulala na lang ang pobreng porter sa APD cop. Kumbaga ay na-culture shock ang bagitong porter.

Akala ng pobreng porter ay wala na ang perang tip na kanyang natanggap…pero biglang bumalik ang APD cop at sinabing: “O, heto hinati ko. Tig-P250 tayo.”

Sonabagan!!!

Hanep naman talaga! Ibang klase rin naman ang APD cop na ‘to?! May puso rin pala… parang player ng Gilas Pilipinas?!

Anyway, sana’y mabasa ni NAIA T-3 terminal head Engr. Bing Lina at ni APD NAIA T-3 OIC Capt. Wong ang masaklap na karanasan ng pobreng porter!

HULA-HULA WHO? LOVE TRIANGLE NI MAMBABATAS AT NG KANYANG ANAK

ALAM ba ninyo mga suki, may isang mambabatas at isang anak na iisa ang sinasawsawang chika babes?

Batay sa info na ipinarating sa atin ng ating urot sa Kongreso, hindi alam ng anak ng mambabatas na sinasalisihan siya ng kanyang ama sa  kanyang jowa.

Ang siste pala diniskartehan din ng mambabatas ang s’yota ng kanyang anak.

Obvious na obvious na nga ang relasyon ng mambabatas at ang unofficial daughter-in-law dahil sa tuwing magkasama sila ay malagkit pa sa kalamay ang tinginan ng dalawa sa isa’t isa.

Hindi lang natin alam kung ito ba ay alam ng sonabagan ‘este’ anak ng mambabatas o pikit-mata lamang siya dahil bukod sa mahal niya ang kanyang ama ay mahal din niya ang naturang chika babes.

Noong una, akala nga ng ating Bulabog surot ay anak din  ng mambabatas ang naturang babae dahil sa public display of sweetness sa isa’t isa na animo’y parang mag-ama.

Ang yapos kasi, beso-beso at lambingan ng dalawa ay dinaig pa ang langgam na laging gusto ay dumikit sa matatamis na pagkain.

Ang ipinagtataka lang ng ating bulabog surot ay guwapo, makinis, mestizo at pormang artista naman daw ang anak ng mambabatas kung kaya’t nagtataka siya kung bakit hindi na lamang mag-give way ang anak kay Daddy na ma-elya sa kanyang jowa.

Mukhang kakaiba ang performance no’ng chika babes ‘di ba?

Mukhang excited na kayong malaman kung sino ang subject natin na mambubutas ‘este’ mambabatas?

Kabilang siya sa mababang kapulungan ng kongreso at ang kanyang pangalan ay may letrang I as in impeachment.

Getz na ba n’yo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …