BINAWIAN ng buhay ang isang 48-anyos na ginang makaraan pagsasaksakin ng mister niyang seloso na nagpakamatay rin makaraan ang insidente sa Brgy. Osmeña, Dangcagan, Bukidnon kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Lolita Paler, asawa ng suspek na si Teburcio, 52-anyos. Ang biktima ay tinamaan ng mga sakask sa ulo at dibdib.
Makaraan paslangin ang misis, nagpakamatay si Teburcio sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili.
Sinasabing ikinagalit ni Teburcio ang pagtatrabaho ni Lolita sa Caga yan de Oro habang sa bukid lang siya nagtatrabaho.
Naiwan ng mag-asawa ang anim nilang mga anak. (BETH JULIAN)