Saturday , November 23 2024

Lotus F1 driving exhibition naging maaks’yon

091114 Marlon Stockinger Globe Lotus F1

PINAHANGA ni world-class race driver Marlon Stockinger (ikatlo mula sa kaliwa) ang racing aficionados na dumagsa sa isinagawang Globe Slipstream kamakailan sa Bonifacio Global City. Nagbigay ng suporta sina (mula sa kaliwa) Globe Telecom Chairman of the Board Jaime Augusto Zobel De Ayala, Lotus F1 Deputy Team Principal Federico Gastaldi, at Globe Telecom President at CEO Ernest Cu. (HENRY T. VARGAS)

MAAKSIYON at makulay na programa, tampok ang Lotus F1 driving exhibition ni racing champion Marlon Stockinger, ang natunghayan ng racing afficionados sa ginanap na Globe Slipstream kamakailan sa Bonifacio Global City.

Tinaguriang ‘Prince of Speed’, ipinarada ni Stockinger ang pamosong Lotus WSR Gravity Charouz Formula Renault na kanyang ginagamit sa karera bilang miyembro ng Lotus F1 junior team sa premyadong Formula 1 race.

Bukod sa nadamang kasiyahan nang personal na makita ang mga sasakyan sa world class races, personal ding naranasan ng racing aficionados ang pakiramdam na makasakay sa humaharurot na sasakyan sa pamamagitan ng race car stimulator, gayundin ang isinagawang speed challenge.

Tampok din sa Slipstream ang iba’t ibang booths na naglalaman ng mga produkto ng Globe, fun games at give-aways. Napanood din ang parada ng mga mamahaling sasakyan, at ang dinumog na celebrity karting challenge.

Isang concert party sa BGC Amphitheater ang tuluyang nagpataas ng kasiyahan sa crowd , tampok ang Dualist Inquiry, American dance-punk band Chk Chk Chk, bandang Up Dharma Down, Yolanda Moon at Autotelic. Host ng programa si DJ Joey Santos.

Ipinagdiwang din ang nakamit na tagumpay ng nangungunang telecommunications company sa bansa matapos mailunsad ang 3G network at inaasahang makakamit ang mas mabilis at kapaki-pakibanang na koneksyon gamit ang 4G HSPA network coverage bago sumapit ang taong 2015.

“Globe Slipstream was a great opportunity for Globe subscribers and racing aficionados to witness firsthand how the convergence of lifestyle and speed changes everything, powered by the all-new and world-class Globe network, which now lets you experience speed like never before, bringing you the most advanced and groundbreaking mobile connectivity,” sambit ni Bithos.

(HENRY T. VARGAS)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *