ANG pagkakaroon ba ng religious symbols sa bedroom ay good feng shui o bad feng shui? Sensitibo ang katanungang ito.
Ang spiritual connection ng isang tao sa Diyos ay very intimate relationship, nang higit pa sa relasyon sa kapwa tao.
Ang ibig sabihin, maaaring walang istriktong feng shui rules, dahil nakadepende sa bawat tao kung paano, saan at kailan niya ipadadama o ipahahayag ang sagradong relasyong ito.
Gayunman, sa general feng shui guidelines, hindi hinihikayat ang pagkakaroon ng religious symbols sa bedroom.
Ito ay dahil ang bedroom ay para sa pagtulog, relaxation at sexual healing.
Mas mainam na ilagay ang religious symbols sa ibang lugar ng bahay na maaaring magsilbing prayer area o meditation space.