Aries (April 18-May 13) Maaaring hindi mo maunawaan ang sinasabi ng iba dahil hindi ka nakikinig nang mabuti.
Taurus (May 13-June 21) Huwag susuko sa mga aktibidad. Ano man ito, tiyak na ikaw ay magiging produktibo.
Gemini (June 21-July 20) May magaganap na hindi inaasahang komunikasyon sa isang kaibigang matagal nang hindi nakikita.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring hindi mo na mahintay na tumigil sa pagsasalita ang isang tao upang masabi mo ang nais mong ipahayag.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong isip ay patungo sa maraming direksyon. Ituon ang enerhiya sa maliliit na proyekto na nangangailan ng kaunting pag-iisip lamang.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Higit na makikinig sa iyo ang mga tao ngayon. Ang iyong mga salita ay mananatili sa kanilang isipan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hindi mo sasang-ayonan ang impormasyong iyong matatanggap. Posibleng igiit mo ang iyong opinyon.
Scorpio (Nov. 23-29) Panahon na para patatagin ang iyong sistema at mga ideya upang higit itong maging praktikal.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Panahon na para iangat ang komunikasyon sa susunod na level. Palawakin pa ito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) May magaganap na pagbabago, maaaring itapon mo ang lumang paniniwala at tatanggapin ang bagong pananampalataya.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Pakiramdam mo ikaw ay nasa bingit ng bangin. Ipapangako sa sarili na kapag nalusutan mo ito ay hindi na ito mauulit pa.
Pisces (March 11-April 18) Biglang magkakaroon ng tensyon sa opisina. Ang bawat isa ay may gustong ipahayag na opinyon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) May mga tao ay may demands na hindi mo kayang tuparin. Ngunit mauunawaan naman nila.
Lady Dee