ni Roland Lerum
HINDI raw nag-honeymoon sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Singapore kamakailan. Nag-taping lang daw sila roon.
“It’s more of a job than pleasure, more of business,” giit ni Tom. Pero hindi raw siya kontra sa pagiging close kay Carla, in fact, lalo silang naging close sa travel nilang iyon.
Maraming fans ni Carla ang natutuwa para sa kanya sa bago niyang lovelife. Mas marami raw ang boto kay Tom kaysa dating bf na si Geoff Eigenmann. Gayunman, nag-uusap pa rin sila bilang magkaibigan.
Nagpahayag din ng condolence o pakikiramay si Carla sa pagkamatay ng uncle ni Geoff na si Mark Gil.