Thursday , June 4 2026

Ara, iginiit na ‘di totoong buntis si Cristine

091114 Ara Mina cristine reyes

00 SHOWBIZ ms mSPEAKING of Trenderas pa rin, kasama rin dito si Ara Mina bilang si Diane. Naitanong namin kay Ara ang tungkol sa kumakalat na balitang buntis umano ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes.

Pinasinungalingan ni Ara ang balita at sinabing kaya siguro natsismis na buntis si Cristine ay dahil nagdadalang-tao siya at minsang nasabi ng kapatid niya na gusto rin nitong magka-baby.

Na-meet na rin niya ang boyfriend ni Cristine at okey naman daw iyon sa pamilya nila.

Iginiit pa ni Ara na sakaling magbuntis si Cristine, tiyak na ipaaalam naman iyon ng kanyang kapatid. Pero wala naman daw itong nababanggit tungkol sa pagbubuntis.

Samantala, iikot ang kuwento ng Trenderas sa unti-unting pag-abot ng pangarap ng tatlong bidang sina Isabelle (bilang Isabelle rin), Katrina (bilang Diva), at Lara (bilang Lara). Mula sa pagiging mga simpleng tinder tungo sa pagiging pinakabaogn trending stars ng bayan na magsisimula nang maging viral ang isang video ng kanilang performance sa palengke.

Marami pang sorpresang ihahatid ang programa kaya’t huwag palampasin ang grand entrance ng serye na tiyak magte-trending sa mga mga puso ng televiewers simula sa Sabado, 9:00 p.m. sa TV5.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …