WALA sa kanyang actress-aggressor noon ang pagkaimbiyerna ng mga kaanak at fans ng isang naagrabyadong aktres, kundi sa huli mismo.
Sey kasi ng isang kamag-anak ng aggrieved actress, ”Ganoon na lang ba, ha?! Gaga ka rin!”
Minsan nang nagsama sa isang soap ang dalawang aktres: tawagin na lang natin silang Maricar at Belinda. Nagkataon na ang leading man sa palabas na ‘yon ay nobyo ni Maricar na bigyan na lang natin ng alyas na Dindo.
Sa isang nakaraang palabas, magkasama sina Maricar at Belinda as if nothing “violent” happened between the two of them.
Nabalita kasi noon na out of unreasonable jealousy ay galit na kinompronta sa isang pribadong sulok ni Maricar si Belinda, sabay dayalog ng, ”Maputi ka lang, pero hindi ka maganda!”
Kung sabagay, nakaaangat naman ang ganda ni Maricar, pero ‘di hamak namang mas edukada si Belinda na Inglisera pa!
And to top it all, Belinda is not a palengkera from a nearby province known for its delicious, mouth-watering tahong!