ni Nonie V. Nicasio
MASUWERTE sina Fourth at Fifth Pagotan, mga dating Housemates sa PBB All-In dahil malaking break sa kanila ang forthcoming soap ope-rang Nathaniel ng ABS CBN.
“Masaya kami, gusto ta-laga namin ito kaya kami pumasok ng PBB. Gusto naming maipakita talaga ang talent namin sa pagkanta, pagsayaw at sa acting,” wika ni Fourth.
Sa panig naman ni Fifth, sinabi niyang excited siyang maging bahagi sila ng Dreamscape. Itinuturing din niyang napakalaking opportunity ang ipinagkaloob sa kanilang ito ng Dos.
Pahayag pa niya, “Iyong pag-a-artista, parang bonus na lang. Paglabas namin na-feel na talagang showbiz na ito. Nakaka-excite rin, kasi may mga projects na dumarating. Blessings ito kaya kailangang pagbutihin.”