Thursday , June 4 2026

9 pulis-QCPD suspek sa ‘tutukan’ ng baril sa EDSA

090914 edsa  police holdap

SIYAM na pulis ang suspek sa insidente ng tutukan ng baril sa EDSA na magugunitang nakunan ng litrato at kumalat sa social media.

Sa press conference kahapon, inamin mismo ng Philippine National Police (PNP) na mga miyembro nila ang sangkot sa krimen, walo rito ang aktibo sa La Loma Police Station 1 habang isa ang matagal nang dismissed.

Kinilala ang mga suspek na sina PSI Marco Polo Estrera (dismissed), Chief Inspector Joseph De Vera, PSI Oliver Villanueva, SPO1 Ramil Hachero, PO2 Jonathan Rodriguez, PO2 Weavin Masa, PO2 Mark De Paz, PO2 Jerome Datinguinoo at PO2 Ebonn Decatoria.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director, Chief Supt. Abelardo Villacorta, una nilang na-trace si De Vera makaraan mabatid na pagmamay-ari niya ang sangkot na Toyota Hi-Ace (YF 9767).

Kasama ang dalawang biktima, pinuntahan ng mga awtoridad si De Vera sa kanyang estasyon.

Ayon sa mga biktima, dinala rin sila sa La Loma Police Station 1 makaraan dukutin sa EDSA. Pitong oras sila sa estasyon bago pinalaya.

Umamin si De Vera sa insidente at ikinanta ang mga kasamahan.

Binanggit din ng mga biktima na P2 milyon ang natangay sa kanila, bukod sa P60,000 na ipina-withdraw sa kanila ngunit itinanggi ito ni De Vera sa pagsasabing P300,000 lang ang kinuha nila.

Bukod kay De Vera, naaresto rin ang isa pang suspek na si Rodriguez. Patuloy na tinutugis ang pito pang mga suspek.

Kung may impormasyon sa mga suspek, maaaring magsumbong sa awtoridad sa numerong 641-0877 o 0906-545-7238.

Samantala, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Chief Superintendent Richard Albano, sinibak na si Supt. Osmundo de Guzman, ang hepe ng La Loma Station.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …