Hello po Señor,
Plz pakisagot hntay q ito s HATAW, nngnp kse aq na nagswim dw aq s dgat, medyo mdalas dn kase i2, paulit-ulit, ukit kya? Mnsan msama yung pngnp q, vkit kya po ganun pngyyri? Wait q po ito sa dyaryo nyo.. dnt post my CP.. im Leonor.. tnks..
To Leonor,
Kapag nanaginip na ikaw ay lumalangoy, ito ay nagsasabi na ginagalugad mo ang aspeto ng iyong unconscious mind and emotions. Ito ay maaaring senyales din ng paghahangad o paghahanap mo ng ilang emotional support. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga taong sumasailalim sa therapy.
Ang dagat ay nagre-represent ng iyong unconscious feelings at ng transition sa pagitan ng iyong unconscious at conscious na damdamin. Tulad ng lahat ng simbolo sa tubig, may kaugnayan ito sa iyong emosyon. Posible rin na paalala ito sa iyo sa kakulangan mo ng pang-unawa at pananaw sa ilang sitwasyon o pangyayari. Alternatively, ito ay maaaring may kaugnayan din sa pangangailangang i-reassure ang iyong sarili o magbigay ng reassurance sa iba. Sa kabilang banda, ito ay naghahatid din ng hope, a new perspective at ng positive outlook sa buhay kahit na gaano kahirap o kabigat ang iyong kasalukuyang sitwasyon.
Ang paulit-ulit na panaginip ay pangkaraniwan lang naman at nagiging gabay pa nga ng iba sa pang-araw-araw na buhay. Dahil tumutulong ito sa ating kamalayan upang magbigay pasakit o inspirasyon at patnubay.
Ang masamang panaginip naman ay maaaring paalala o nagiging outlet upang humupa ang ating galit o sama ng loob. Nagsasabi rin ito na may mga negatibong damdamin at kaisipan ang nasa iyong subconscious na dapat mong pagtuunan ng pansin.
Señor H.