00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Marami kang matatapos na gawain ngayon, maraming tutulong sa iyo.

Taurus (May 13-June 21) Ang pangamba ang tanging pumipigil sa iyo ngayon – panahon na para ito labanan.

Gemini (June 21-July 20) Bagama’t nakababagot, ang pagbabadyet ang makatutulong sa iyo para makaluwag sa pananalapi.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ang mga bagong panimula ay hindi palaging madali, ngunit may potensyal ang bagong relasyon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ipakita sa kaaway na sensiro ka sa pakikipagbati sa kanya at para makapagsimula kayong muli bilang magkaibigan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan ng isang kaibigan ng panahon at suporta – huwag siyang mamadaliin.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hinahanap ka ng mga tao para sa iyong gabay ngayon, at dapat mong tiyakin na seryoso ka sa pagtulong sa kanila.

Scorpio (Nov. 23-29) Gaano mo ba kinamumuhian ang iyong trabaho? Maaaring mainis ka sa tanong na ito, ngunit ang career na ito ay maaaring iyong lucky break

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kapag kinuwestyon ng isang tao ang iyong mga ideya ngayon, may karapatan ka ring kwestyunin ang kanilang motibo.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Nais mo bang magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay? Humingi ng dagdag na challenges sa trabaho o sa paaralan.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang kaunting pagbabago ngayon ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa iyong routine.

Pisces (March 11-April 18) Sa pamamagitan mo, mapapansin ang isang tao sa taglay niyang galing ngayon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ilang mga tao ang maaaring maging mapanlinlang ngayon bagama’t wala naman silang magiging pakinabang dito.

lady Dee