“Para sa akin ang paggawa ng pananakot ay ‘yung natural. Kumbaga, kung masyadong technical na nagamit ang mga computer na bagay-bagay, parang nade-defuse na ‘yung takot, pero rito sa ginawa namin, 95%, tunay ‘yung mga pananakot, like ‘yung dolls, tunay siya, bata mayroong prosthethics, tunay na manika, nag-a-alternate. Siyam na bata ‘yan, nag-iiba-iba ‘yung mukha depende sa manika.
“At saka para sa akin, mas importante ‘yung kuwento na may pinanggagalingang kuwento,” kuwento ng direktor.
Malaki nga ba talaga ang nagagawa ng mga manika sa buhay ng mga taong nawawalan ng anak o theraphy.
Ganito kasi ang nangyari sa isang kilalang aktres na may tatlong manika na anak ang turing nilang mag-asawa.
“Totoo, kasi di ba ‘yung mga bata ‘pag umiiyak para mapatigil mo, kakargahin mo, bago matulog, pinapayakap mo ng manika o rugdoll o stuff toy ni Mickey Mouse,”paliwanag ni direk Wenn.
Binanggit ang pangalan ni Rita Avila na may mga alagang manika at anak ang turing kaya tinanong si direk Wenn kung naging peg niya ang aktres.
“Hindi naman po, napaka-insensitive ko naman kasi kaibigan ko si Anna (tawag niya kay Rita) mula sa UST at kaibigan ko rin ang asawa niyang si (direk) FM Reyes. Hindi naman po ako aabot sa ganoon na gagamitin ko ‘yung personal na nangyari sa tao. Nagkataon lang talaga,” pahayag ni direk Wenn.
Klinaro rin ni direk Wenn na hindi sumagi sa isipan niya na kunin si Rita sa pelikulangMaria Leonora Teresa na mapapanood na sa Setyembre 17 mula sa Star Cinemakasama sina Zanjoe Marudo, Iza Calzado, at Jodi Sta. Maria with Atak, Joey Paras, Dang Cruz, Eagle Riggs, Cris Villanueva, Dante Ponce, Maria Isabel Lopez, at Joem Bascon.
ni Reggee Bonoan