Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

13-anyos HS girl ginilitan, 9 beses sinaksak ng rapist na uncle

GINILITAN sa leeg at sinaksak ng siyam na ulit ang 13 anyos dalagita ng kanyang tiyuhin na humalay sa kanya sa Parañaque City.

Inoobserbahan sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Dianne, 1st year high school student, ng Brgy. Tambo ng nasabing siyudad.

Sa follow-up operation ng mga pulis, agad naaresto ang suspek na si Fernando Trinidad , 53, may asawa, contruction worker, ng Garbiel St., Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ayon kay Senior Insp. Benedicto Balagtas, dakong 9 a.m. kahapon nang maganap ang pananaksak sa loob ng bahay ng dalagita.

Nauna rito, hinalay ng suspek ang dalagita kamakalawa ng gabi na agad inireklamo ng biktima kaya naaresto ang tiyuhin.

Ngunit dahil sa panghihimasok ng ama ng dalagita na kapatid ng suspek ay hindi natuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa tiyuhin.

Ngunit kahapon ng umaga ay naabutan ng suspek ang dalagita sa kanilang bahay habang natutulog.

Bunsod nang matinding galit, tinakpan ng suspek ang bibig ng dalagita at ginilitan siya sa leeg.

Nanlaban ang biktima kaya pinagsasaksak siya ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …